Stop inviting everyone to your pity party. Everyone gets sad. Everyone has crappy days, but if you put yourself out there, it’s hard to believe your feelings are genuine.
Natakot or Namiss?
August 10, 2012
Kagabi tinatawagan ko siya, network busy ang phone niya. Ilang text na rin ako, at walang reply. So natakot ako. Alam niyo yung eksena sa teleserye na kapag may nababasag, may masamang nangyayari? Wala lang feelingera lang kasi ang lola mo kaya ayun praning.
Walang umagang hindi nag-Goodmorning siya. Kaya nung hindi ako nakareceive ng ganun, nalungkot ako. Iniisip ko talagang may nangyari sa kanya. Paano ba naman kasi no!! Nagkabaha, tapos nawawalang pa ng signal. Tapos tinatawagan ko pa nga siya, wala pa rin. At nagtext na rin ako ng nakakatawang text, pero sa totoo talaga nag-aalala na ko.
So dumating ang hapon, may natanggap akong text.. guess who? Yeaaaah. Siya. At nasira pala ang kanyang phone. Thank God, phone niya lang.
Ano bang tawag sa sobrang pag-aalala? Ka-praningan, oo alam ko.
HEY SOUL SISTERS!
Ngayong araw na ito, ika-10 ng Agosto ay sinurpresa namin ang aming ate nang bisitahin namin siya sa kanyang condo. Mga isang taon na rin kasi ng siya at ang kanyang pamilya ay nanirahan sa Germany. Wala lang naman. Namiss ko lang siya, kahit yung kasama kong kapatid. Kasi naman hindi rin kami pareho ng tinitirhan.
Pagkadating namin ay nagkamustahan, at nagpahinga muna ang pinakanakakatanda naming kapatid habang kamming dalawa ni Terry (ang nakababata kong kapatid) ay nag-almusal sa Mcdo. Bago kami bumalik ay bumili siya ng regalo sa kanyang spesyal na kaibigan, at ito ay isang wallet na personalized. Nagtingin-tingin din kami ng mga bag, at kung ano pang nais naming bilhin. Noong bumalik na kami ay nagpahinga muna kami, at pagkatapos ay nanood ng Bourne Legacy. Natatawa lang ako, kasi hindi ko alam kung Pinoy or Hollywood movie ba yung pinapanood namin. At natapos na nga. Matapos ay nagkwentuhan kami. Tungkol sa mga buhay pag-ibig, sa mga naging lakbayin, at kung anu-ano pa. Ayun, umuwi na kami ni Terry. At ibinili niya ako ng ng isa ring wallet, na sobra ko namang ikinatuwa. Napakasaya talaga na makita yung mga taong mahalaga sayo.
Konting kaalaman nga pala, sila ay parte ng aking foster family. Pero kahit ganoon, mahal na mahal ko sila.
Yes to Filipino?
Single yan, available.
Yan ang rason kung bakit nakilala ko si Donnel. Bago kasi siya. Tapos yung araw na mismong yun ko lang siya nakita. Di ko kasi matandaan nung nag-audition siya sa chorale. Oo nga pala, “Single yan, available.”, yan ang sabi ni Medel kay Donnel kasi nga kinikilala namin yung mga bago. Ang reply ko naman, “Siya din!” Tapos sabi ni Donnel, ” Ay sorry.” Hahaha. Tapos yun, after nun, parang wala lang.
Tumagal-tagal na rin siya sa chorale. Isang gusto ko sa lalaki yung bumubukas yung langit kapag ngumingiti. At yun ang isa sa mga napansin ko sa kanya..
Isang araw, sumama siya samin sa isang performance kasi pinasama siya ng isang member ng chorale namin. So ayun, tahimik siya. Tapos nagtabi kami sa jeep (actually di siya jeep) papuntang World Trade Center. Kumanta kami nun. Tapos naghahanap ako ng pyesa ng isang kanta nun. Tapos sabi niya, “Baka dito meron.” Sabi ko naman, “Meron talaga diyan.” Hahaha. Kasi akin yung enelope na hawak niya. Tapos bago kami pumunta sa World Trade Center, hiniram yun ng co-trainee ko kasi magpapa-photocopy siya. Tapos pinahawak sa kanya. Yun, may nakita nga siyang pyesa. Tinanong niya kung kanino yun, so sinabi ko na akin. “Kaya naman pala sigurado siyang meron diyan e.”, sabi ni Kuya Inchan. Kaya yun tuloy, awkward.
Nung nasa WWC na, nagprepare kami. Narinig ko, tinanong siya ni Dok kung may crush ba daw siya sa chorale. Hindi ko naman narinig yung sagot niya kaya balewala. Ewan ko, parang big deal sakin yun. Nung uwian na, basta nagsabay kami pauwi. Tinanong niya ata kung sino pa-SM Fairview, eh sumagot naman kami na kami ni Judy Anne, kasi nga di rin namin alam yung pauwi, kaya sumabay na kami.
May nagbabye sa kanya, yung pangalan niya with matching bakla. So ako naman ay, “Ay talaga?” Pero sa isip ko lang. Kinamusta ko siya kung okay ba siya sa chorale. Masaya naman daw. Mukang wala na nga ata siyang balak umalis kasi nga parang sayang na yung effort niya, kasi nga daw masaya yung sa loob ng chorale. Tapos sumakay na kami ng bus. Umupo kami dun sa tatluhan, pero hindi siya dun umupo.. sa kabila siya. Kasi nga di siya dun nakaupo, inamin ko na nga kay Juday na crush ko na talaga si Donnel. Tapos ang dami na naming pinagusapan. Ang nasa isip ko naman may earphones siya, kaya di naman niya naririnig kaya todo kwento ako. Nung malapit na kami, lumipat siya ng upuan, tumabi na siya sakin. Tapos yun, bumaba na kami ni Juday.
After nun, naging close na kami sabay na kaming umuuwi kapag tapos na ang rehearsals. Basta yun, tapos inaasar kami ni Jaja, ang Igan ni Donnel na isa ko ring close friend na PBB Teens daw kami. Ako naman, ano!? HAHAHA.
May mga pagkakataong, kami lang ang magkausap tapos magyayaya siya sa ganito-ganyan, libre niya. Parang yung sa Sanctuario. Kaso nung araw na yun, naiwan niya ang wallet niya. Pagnagbe-break kami sa chorale, nagyayaya siya sa pagkain.. Yun.
Sabay kami umuuwi, diba? Kaya kapag umuuwi kami hinahanap niya kami, minsan naman ako lang. At minsan sa aming pag-uwi, umuulan. At saktong wala siyang payong. Kaya hinahabol niya talaga kami. “Kailangan ko ng payong mo, kailangan kita.”, minsan niyang sabi. Double meaning para sakin kaya naman napatigil ako. At minsan nga share kami sa payong, at obviously hindi kami kasya. Hahaha. Kapag ganung sitwasyon na, nakaakbay siya sa akin, with matching hawak sa kamay ko kasi hinahawakan niya yung payong. Pwede naman kasing ikaw na lang maghawak, kailangan mo pang ipatong sa kamay ko? Lalo mo lang akong pinapakilig. Anoba. Hahaha. Oo nga, tumitigil yung puso ko kapag ganun kami.
Na inlove na nga ata ako sa kanya. Kaya minsan kung maka-GM ako, todo parinig sa quotes. Isang araw, matapos akong mag-GM may nagreply sakin, si Jaja. “May kilala akong nagkakagusto sayo! Yie.”, text niya sakin. Pumasok naman kagad sa isip ko, si Donnel. Kasi nga close siya sa kanya. Sabi niya pa sakin na kilala ko daw siya, at feeling niya papasa siya sakin, kaso torpe nga siya, and as I have said may plus point sakin ang mga torpe, ayoko na iesplain kung bakit.
After nun, nagtext sakin si Donnel, asan na daw kami. Basta nagtext kami unlike before. Tumatawag pa nga siya sakin, eh lagi ko naman di nasasagot. Dati kasi nagtetext kami, pero pinuputol ko kagad para hindi nga halatang crush ko siya. Nung dumating dun sa venue, grabe ang awkward ko! Sumama kagad ako sa nagrerehearse, at gusto kong lumayo sa kanya. Alam mo yung feeling na, hindi ka naman sure, pero sure ka na, at feeling mo alam rin nya na alam mo na. Basta andun siya, alam ko yun. Tinitignan ko nga siya e, sabay tingin sa iba. Nag-Hi din naman ako para hindi halata.
Nung nagrerehearse na, kinukulit ako ni Ja, basta daw gusto niya daw ako sa kanya. At kilala ko daw yun. Ang sabi ko naman, kilala ko na yan. Tapos ayun, todo kwento at kilig na si Ate. At syempre sino ba naman hindi kikiligin kapag naconfirm na gusto ka ni crush. Hindi ba!! Sinabi nga daw sa kanya na gusto niya ko, at humihingi siya ng tulong dito. Nung kumakain naman kami, iniiwasan ko talaga siya, kaya umupo kagad kami ng upuan, kumuha ng pagkain, at pagkbalik ko ay nakaupo siya dun sa tabi ng upuan ko. -__-” Srsly. Parang gusto kong tumakbo palayo. Pero nilakasan ko na lang loob ko. Sabi ko pa, “Donnel, Ja, kain na kayo!” At etong mag-Igan na ito ay ayaw pang kumain. Kinuha ni Karl si Ja ng pagkain, at si DOnnel na may LBM ay pinilit paring kumain.
Habang kumakain, si Ja todo titig samin. Ako naman hindi makakain ng tama, at todo yuko na sa Pansit na mukang spaghetti kasi nga nakakahalata na yung mga kasama ko, dahil yung mga nakakaalam ay todo pahalata rin. Guys naman!! Sinabi niya tuloy na nginunguso ko dw yung pagkain. Okay? Inayos na sarili ko. Si Ja, todo heart pa rin sa harap namin. Nung uwian na, todo picture kami. GUSTO KO MAGPAPICTURE SA KANYA. Kaso nahiya ako, kaya kay Karl ako nagpapicture. Kasi naman lahat naman nagpapapicture sa kanya. Isa pala sa ugali kong, hindi gumaya sa ginagawa ng lahat, na sa sitwasyong ito nga ay magpapicture sa kanya. arang nung kanina ngang todo iwas ako sa kanya sa fellowship hall, at di ko pa rin naiwasan ay hinatak siya para magpapicture. Pero ano ang nakakakilig? Ay yung sinabi niya na, “Uy, wala pa tayong picture.” Tapos nung nagpicture kami, todo “Yieeeeeeeeeeeee” sila. -___-” Tapos may nagsabi, “Porket picture kay Donnel, kinikilig kagad?” Hindi niya kasi alam.. Hohohohohoho. Ayun, ampangit ko sa picture, and as usual gwapo niya pa rin.
Nung uwian na, sabay kami kasi nga nangutang kami ni Juday, dahil naubos yung pera namin. Tapos nung paakyat na, sabi ni Kuya Benj, “Kayo na ba dalawa?” And my reaction was, :OOOOOOOOOOOOOOOOOOOO. Hahahaha. Kasi naman ehh. Naghiwalay kami pero hinabol pa rin namin siya, kasi nga di niya kami pinahiram. So ayun nagsabay kami sa payong, same scenario. :”“”) At sabay sa bus, pauwi. Andaming nangyari dun. Ang di ko makalimutan eh, nung sinabi ni Judy na hinawaan ko daw siya. Tapos sa bi ko, “Nang kagandahan? Ah oo.” Tapos bigla niyang sinabi, “Na huwag kang ganyan.” Ewan double meaning na naman sa utak ko eh. Tapos dun din nila pinagtripan ang sakit ko, at pinakinggan ang covers ko, at niyaya niya kong magcover. Nung pababa na kami, nag-goodbye na siya, ingat daw, at itext ko siya pagnakauwi na ako. At as usual si Judy Anne, todo asar.
Nung Monday, di kami masyadong nagkita. Nagkita lang kami nung bumaba ako, at bumili nang pagkain kasi tulog ng tulog at bigla na akong nagutom. Nakapila kasi siya sa Medical Exam. Iniwasan ko, tinawag naman ni Juday. Srsly, Judy Anne!! Ayun, nagHi ako sabay ngiting awkward. At nung pabalik na tinawag na naman niya, at di ko na binati.
Nung nasuspend yun klase nasa recording kami. Text-text din. Asan daw ako? Ginagawa namin, at kung may pantawag daw ako. E wala, kaya loser daw ang Globe. Tinanong niya kung may sipon pa rin daw ako, sabi ko oo. Tapos reregaluhan niya daw ako ng White Flower, para daw di ako mahirapan. How sweet. Hahahaha. Umalis na si Judy Anne, magkikita kasi ng BF niya. Tapos tinanong niya ko kung sino daw kasabay ko umuwi? And how did he know na wala akong kasabay? Kasi nakita niya na naman si Juday.. At nag-usap sila. Anong pinagusapan nila? Marami.
Una, asan na daw si Jasmine (ako), sino daw kasabay ko umuwi. Pangalawa, may regalo daw siya sakin, at pinabili niya si Ja. At pangatlo, may dala daw siyang payong ngayon, pero bukas wala dahil ayun.. magdadamoves. And pano ko nalaman ito lahat? Hindi kasi natuloy si Judy Anne, at nagtago kami sa may side ng stage. Tinanong ako ni Donnel kung nasan ako.. Nagkwentuhan nga kami ni Juday. At dumating siya. Pero sa kabilang side sya dumating, at napatawa kami ni Judy at nagtago. Hahahahahaha. Nung dumating siya, binigay niya yung regalo niya, White Flower nga!! Hehehehehe. Cute. Sa lahat ng magreregalo, White Flower pa. Naalala ko tuloy yung mga sinasabi ko dati, pag may nanligaw sakin hindi ko papabilin na mga gusto ko. Bumili siya, hindi dahil gusto ko, pero kailangan ko, at concerned siya. Tapos umalis na siya, babalik sa Medical Exam. Nagpaintay ata siya sabiniya kay Juday.. hinintay namin siya ngunit siya ay wala. Napatagal pa tuloy kami, at nagswimming ni Juday sa baha. Hindi ko na sinabi ko sa kanya, mabait ako eh. Hehehe. Natapos yung araw ko na nalaman kong nagtulak pala siya ng van pauwi, kaya lalong di ko na sinabi. Sinabi niyang maligo ako, at uminom ng gamot dahil nga lumusong kami. At Good night, with matching baho mo pa rin. -___-“” Hahahahaha. Ayun. Hanggang dito pa lang ang love story na ito. I will update na lang.
Abangan na lang natin kung ako ba talaga ay mananatiling single and available. Hintayin ang susunod na kabanata..
Ako na ang takot umibig.
Aaminin ko na! Ako na ang first-timer. Ako na ang never pa naligawan, at never pang nagkaboyfriend. So? I’m proud of it.
Ako kasi yung tao na madalas ang nasa utak ay, “Bakit ka kayo magiging kayo tapos sasaktan niyo lang yung isa’t-isa, at iiwan?”. Ewan ko. Para kasi sakin, napakahalaga ng salitang, “Mahal kita.” kaya hindi ko luboos maisip na iiwan mo yung taong sinabihan mo ng mahal kita. Minsan din, takot din manligaw yung mga tao kasi nga masyado akong high-standard o kaya maton. Minsan naman nasabihan na rin ako na manhid, kasi nga nililigawan na daw ako, hindi ko pa alam.
Kaya ayun. Yun siguro yung dahilan kung ayoko magka-boypren. Oo, nagkakacrush ako, pero hanggang dun lang yun. Pag-umaamin naman ako, late na, o kaya hindi na ako talaga umaamin. Wala lang.
Sabi dun sa movie na Tuesdays with Morrie, “We fear love because we are afraid to not be loved back.” At sa tingin ko, it does apply to my situation. Kaya siguro NBSB ako. Hahaha. Pero as I have said, masaya pa rin ako sa lagay na ito. Nasa first year college pa lang ako, at marami pa kong dapat gawin, at gustong abutin bago magmahal.
Pero may naghula sa akin, ang first ko daw, ay ang last ko. Isa pa ito sa kinatatakutan ko kung bakit natatakot akong magmahal. Kasi hindi ko alam kung totoo ba ito, o hindi. At kung totoo man ito, bakit last ko na? Mamatay ba ko ng maaga? O siya kaya ang mangiiwan? O kaya naman maghihiwalay kami, at magmamadre ako dahil sa sobrang sakit? O kaya naman magiging bading siya, o kaya naman pari? Basta kapag naaalala ko yung hula, natatakot ako.. Natatakot akong iwan ng mamahalin ko.
Gusto din naman magmahal e, minsang di ko lang kaya kasi nga natatakot ako. Basta ayun, dadating din yung taong makakapagwala nun, at sana kung dumating man siya, huwag niya sana kong iwan, kasi hindi ko makakayanan ang sakit kung sakali mang ganun.
You were just a dream that I once knew.
August 5, 2012
Naramdaman niyo na ba yung feeling na lahat nna ng tao may minamahal tapos ikaw, ilang beses ka ng nagdasal para lang may mapunta sayo, pero wala pa rin. Yung feeling na sana yung gusto mong tao, gusto ka rin.
Pero ang mas matindi sa lahat.. Naramdaman niyo na bang mahalin ng taong pinapangarap niyo? Kasi ako, oo. Hindi pa naman siguro mahal, pero at least narereciprocate yung ibinibigay mong atensyon dun sa taong yun.
Sa totoo lang, gustong-gusto ko ito. Pero natatakot din ako. Una, mahirap sumama sa gwapo, lalo na kung maraming humahanga. Nakakatakot yung mga magiging comment sayo ng tao, yung mga magiging tingin nila sayo. Kaya minsan kahit ito na nga yun, nagaalanganin pa rin pa rin.
Basta yun, August 5, 2012, inamin sa akin ni Jaja ang pagtingin sa akin ni crush. Hindi lang talaga ako nagrereact, pero hihimatayin na ako sa kilig. Sabi niya, gusto niya daw ako, at dahil kaibigan niya nga si Ja, ay humingi siya ng tulong dito. :”“) Torpe nga daw sya kaya ganun. Pero para sa akin, ang mga torpe, ang pinakamasarap magmahal na tao. Kasi kapag nasa kanila na yung tao, mas pinapahalagahan nila kasi nga halos dugo’t pawis ang ibinigay nila. Ayun, kaya dagdag pogi points sakin yun.
Basta yun, nakaladkad man ako ng jeep, nauntog sa kahoy, at muntikan ng mahulog sa escalator, masaya pa rin ako dahil nalaman ko itong mga ito, at higit sa lahat kasabay ko siyang umuwi, at may katabi akong unan. :”“”)
Para sa Isang Taong Ulyanin
“Nakalimutan ko na. -__-“
Yan ang pinakamadalas niyang sabihin na pinakaayaw pero ginagawa niya. Hahaha. Actually, wala lang akong matitle at maintro para masabi ko lang na siya yung tinutukoy kong tao.
At dahil may ginawa ako.. nakalimutan ko n ayung dapat kong sabihin. -_- Next tine na lang siguro.






